Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora, Vilma, Maricel dinedma payanig ni Sharon

0 183

Halos mawalan ng ulirat at naningkit ang mga mata ng dating MTRCB Chairman Manoling Morato sa mga ginawa ni Sharon Cuneta sa “Revirginized.” Ang tatlong huling reyna ng pelikulang Pilipino na sina Nora Aunor, Vilma Santos at Maricel Soriano naman ay silence is golden ang reaksyon.

Obviously in the defensive si La Cuneta at director nitong si Darryl Yap dahil nga binale talaga ang “imahe” at “nakanasanayan” na Madam Megastar . As of this writing eh spaghetting pataas ang views ng trailer at ang talakathon na kasunod, siksik, liglig at umaapaw rin.

Tiyak, kung sakaling napanood ni Ate Guy ang trailer at naikuwento sa kanya ang pelikula at mga ginawa ni Sharon dito, mata lamang niya ang magsasalita .Maaaring mababa rito ang pagtataka at pagkabigla.

Kay Inay Marya naman, na walang kabalak-balak umano na makasama ang Ate Shawie sa kahit na anong proyekto at pelikula, maaring mapatingin sa mga ulap. May kasama ring pag-arko ng mga kilay.

Si Ate Vi naman, baka mas gustuhin nang abangan kung kailan magkakaapo kay Luis Philippe at Jessica? O,kaya ay pagnilay-nilayan kung tatakbo ba siyang senadora o bise presidente kesa mahambal sa mga kaganapan sa pelikula ni Mommy Pangilinan.

Kung papatok ang “Revirginized” o hindi eh tanging ang mga Pulis Pangkalawakan lamang ang may kasagutan. Eh si Judy Ann Santos na sinasabing huling movie queen at ka-tsokaran rin ni Sharon Cuneta, i-endorso niya kaya ang pelikulang ang panawagan ay “Tagay hanggang mamatay! Tagay habambuhay!” Naku, baka mas magluto na lang si Ate Juday kesa pakialaman pa, huh!

Angel walang amnesia sa iniwang network

Hirit ni Angel Locsin hindi niya iiwan ang Kapamilya habang naghihirap at may pinagdaraanan.

Sa nakararami, ang kanilang pakiwari, parunggit ito ni the best Darna ever sa mga dating Kapamilya na ngayon ay nasa Kapuso station na.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Para itong “bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit” at “ang pikon, palaging talo.”

Sa true lang, tiyak na ang bagong GMA Artist Center Consultant Johnny Manahan, at isama na rin natin sa equation si Ms. Mariole Alberto, hindi parunggit ang tingin sa pahayag na ito ni Locsin. Alam nilang nasa demokrasya tayo at mauunawaan nila ang sentimyento nito.

Sa sinasabing mas mataas pa raw ang talent fee kina Dingdong Dantes at Marian Rivera, si Bea Alonzo who spending the time of her life with Dominic Roque sa ibang bansa, tiyak matamis na ngiti lang ang kanyang tugon rito.

Ang alam niya lang, maraming nanood sa welcome to GMA 7 episode niya sa “Kapuso Mo Jessica Soho”.Mainam itong indicator na hindi pa siya diminishing star at super shining, shimmering splendid pa ang kanyang estrella.

Mas lalo tiyak na look na lang sa sky si John Lloyd Cruz sa paglalahad na ito ni Locsin dahil that is the most gentleman thing to do .Alam naman natin na Cruz is every inch a gentleman from the old school. Hindi ito magka-counter parunggit sa isang babae.

Tiyak sina Pokwang, Richard Yap, Beauty Gonzales. Jessy Mendiola at Xian Lim, mas gustong mag-focus sa mga proyekto nila sa GMA -7 kesa bigyang halaga ang hanash ni the soon to be Mrs. Neil Arce.

Sa true lang tayo, sana lang hindi nagka-amnesia si Locsin, na minsan sa kanyang karera, lumipat rin siya mula sa GMA -7 papunta sa ABS-CBN. At sana rin, maalala niya na sa kanyang paglipat, sa aking pagkakatanda, walang artista sa Timog na siya ay pinatamaan o pinarunggitan sa kanyang naging desisyon.

Ang dali bang makalimutan na you sought greener pastures Ms. Locsin. Ngayong may mga ibang Kapamilya dati who wants to continue with their careers and their lives, yung pahayag mong habang may pinagdadaanan ang ABS-CBN ay andiyan ka is bereft of sincerity.

‘ Yun lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.