Abante Tonite Interactive

Nora, Vilma, Sharon, Maricel pagsasamahin sa commercial

By
3,204

Habang inaantay ang susundo sa akin sa isang fast food joint, ilang beses kong narinig ang in-house patalastas kung saan sinasambit ang mga pangalang Nora, Vilma, Sharon at Maricel.

Sa biglang rinig, aa­kalain mong ang huling apat na movie queens ang bida sa patalastas. Iyun pala, mga babaeng kapangalan nila ang maglalahad kung ano ang paborito nilang mga kinakain na staple sa fast food.

Bongga siguro kung magiging bida nga talaga sina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta sa isang patalastas, pabalat ng magazine kung saan may natatanging fashion editorial at mga espesyal na kuwento.

Mas pangabog kung may mga sanaysay na sila ang magsusulat kung saan ilalahad nila ang kanilang mga damdamin at saloobin tungkol sa kanilang mga karibal, paboritong mga pelikula, leading men at mga anak.

Ang Superstar, Star For All Season, Diamond Star at Megastar na pagsasamahin sa isang patalastas ay maaaring suntok sa buwan pero libre naman ang mangarap, ‘di ba? ‘Pag ang fast food joint nagagawang katotohanan ang pangarap na ito, ay love, love, love na natin sila talaga.

———-

Ynez nakinabang sa giyera nina Joel-Dupaya

Gamit na gamit ni Ynez Veneracion ang bibingka wars nina Joel Cruz at Kathy Dupaya. Cyber libel complaint ang isinampa niya laban kay Dupaya.

Nasa demokrasya naman tayo at karapatan ni Ynez na ipagtanggol ang niyurakan niyang pagkatao at pagkababae.

Sana lang, mabilis lumabas ang gag order para dito para tigil putakan na ang kasunod. Ang karanasang ito, makatulong nawa kay Veneracion para mas umigting ang kanyang pagka-aktres. Ang paghaharap nila ni Ms. Dupaya sa korte might be the greatest performance of her life. At kung may mga camera to capture and seal that moment in time, ewan ko na lang kung hindi pa mag-estrella muli ang kanyang karera.

‘Pag dumami ang kanyang proyekto sa telebisyon at pelikula pagkatapos nito, puwede na nating sabihin Ynez is so freaking back in the limelight. And we cannot take it against her. Kinarir niya kaya ito kaya bongga.

———-

Baby ni Aiko kay Mayor inaabangan

Marami ang kumastigo at tumatalak kay Aiko Melendez matapos maging bukas ang kanyang pakikipagrelasyon kay Mayor Jay Khonghun.

Hindi aklat si Melendez, mas lalong hindi siya pabalat kaya ang diva that you love, hindi siya huhusgahan.

Alam na niya ang tama at mali. Alam niya rin kung ang pakikipagrelasyon niyang ito ay makakabuti sa kanyang well-being at emotional health.

Ang mga anak niya ay binatilyo at dalagita na, tiyak namang ipinaliwanag sa kanila ni Aiko kung bakit kailangan niyang may mahalin muli. Sa bago niya kayang relasyon, magka-baby muli si Melendez? ‘Yan ang ina­abangan.

Kung saan papun­ta ang relasyong ito, tanging si Aiko, si mayor, at ang mga Pulis Pangkalawakan lamang ang may alam. Ang mahalaga ngayon, she has finally found someone at ang hombre is standing by her. Laban kung laban ang kanilang relasyong pangmalakasan! Ganiyan talaga ang mga relatively young lo­vers, all for the glory of love palagi.