Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora, Vilma tuloy ang sabong

0 197

NI:ARCHIE LIAO

Sa vlog ni Luis Manzano na Lucky TV, inamin ng Batangas Representative na si Vilma Santos-Recto na magkakaroon na rin daw siya ng sariling vlog.

Katunayan, nagpatulong daw siya kina Luis at sa manugang nitong si Jessy tungkol sa kanyang vlog.
Ang initial episode raw ng kanyang vlog ay mapapanood sa Setyembre 26.

Sa kanyang patikim, ipi-feature raw ng Star for All Seasons ang lahat ng awards at citations na natanggap niya sa lahat ng award-giving bodies.

Ang pagkakaroon daw niya ng vlog ay paraan na rin para ma-update ang kanyang Vilmanians sa kanyang mga ganap.

Ani Ate Vi, mami-miss din daw niya si Luis dahil for two months ay sa poder niya ito tumira noong lockdown.

Pero dahil may mga trabaho raw itong uumpisahan, kailangan na raw ng anak na bumalik sa sirkulasyon.

SM food to go Banner Ad

Sey pa ng award-winning actress, siya raw naman ang gagawa ng paraan na pumunta sa bahay ng mag-asawa para sa isang collaboration.

Type raw niyang sa future episode ay kapanayamin ang kanyang anak at ang misis nito.

Marami namang natuwa sa pagpasok ng actress-turned politician sa vlogging.

At least, buhay na naman daw ang rivalry nila ng Superstar na si Nora Aunor.

Noong nakaraang taon kasi, pumasok na rin sa pagvlo-vlog si Ate Guy na naging koneksyon ng aktres sa kanyang mga faney, although hindi na ito ganoon kaaktibo.

Suhestiyon naman ng iba, hindi raw kaya magandang ideya na magkaroon din ng collaboration ang dalawang reyna ng pelikulang Pilipino sa kanilang respective vlogs na siguradong tatangkilikin at pag-uusapan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.