Abante Tonite Interactive

Nora vs Vilma TILIAN sa Star Awards for Movies

43

LUMABAS na ang mga nominado para sa 33rd Star Awards for Movies.

Wala akong maikokomento sa kanilang choices. Kanya-kanya ‘yan at weather-weather kung sino ang dapat manalo, ayon sa pihikang panlasa ng PMPC members.

‘Pag lumabas na ang winners nila, saka na ang reaksyon mula sa diva that you love.

Alam nating kung hindi popular, controversial ang choices of this group. Ang panalo sa grupo, they stand by their choices.

May “makukulay na kuwento” at “intriga” ang victories sa Star Awards and through the years, nalagpasan nila lagi ito.

Lume-level sila sa Gawad URIAN sa paramihan ng mga nominado, lalo na sa acting categories.

Kung darating lahat ng mga nominado sa kanilag awards night, star-studded ang kanilang gabi ng parangal.

Maingay ang kanilang pagtatanghal, kasi, may special honors na igagawad sa movie queens na sina Nora Aunor at Vilma Santos.

The Nora versus Vilma tilian rivalry is so back! Sino kaya ang uuwing mas paos? Sino kaya ang uuwing luhaan?

Sa mga nominadong uuwing panalo, congratulations po sa inyo.