Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nora ‘wag paasahin sa National Artist-John

0 292

RODEL FERNANDO:Aminado si John Rendez na ang Superstar na si Nora Aunor ang naging inspirasyon niya sa kanyang pagkanta at pagiging artist niya. Malaki raw ang impluwensiya ng aktres kaya hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy niya ang kanyang pagkanta. Idagdag pa rito ang pagtanaw ng utang na loob niya sa matalik na kaibigan.

Itinuturing ni John na ang music is life kaya hindi siya tumitigil sa pag-awit. Para kasing kulang ang pagkatao niya kapag hindi siya nakakakanta. In fact, nagko-compose din siya ng mga awitin na inihahanda para sa gagawing album. Pero bago ‘yan ay mga single muna ang kanyang ginawa.

After niyang mamahinga sa recording noong 2013 ay bumalik siya nitong 2019 lang sa pamamagitan ng “Start All Over Again”. Nanalo pa ang kanta ng Best Folk/Country Recording sa Star Awards For Music noong 2019. Sinundan naman ito ng “Think About It” na na-irelease bago magpandemic. At may bago siyang single na aabangan at ito ay ang “Not Superman” na malapit na ring i-reiease ng Star Music.
Anyway,nasa lahat ng Digital Social Media Platforms ang mga kanta ni John. Puwede itong i-download sa
iTunes, Spotify, Amazon, Youtube Music at marami pang iba.
ROMMEL PLACENTE: Sa tanong kay John mga ka-Cuatros, kung anong unang gagawin niya after pandemic,ang sagot niya ay kakain sa labas. Na ang ibig niyang sabihin outside Eastwood, kung saan nakatira siya roon sa isang condo.”Umiinom ako sa labas,pero hindi ako kumakain sa labas. Dito lang ako sa lugar namin. ‘Yung community namin,parang BGC area. Maraming dumadayo dayo rito. Dati (nu’ng lockdown) kami- kami lang. But now, this is a public place. It’s not advisable to go out.No way!,”sabi ni John
Sa kabila ng pandemya,ang realization ni John ay pwede pa rin daw palang mabuhay, Na ang ibig niyang sabihin heto siya at kahit may pandemic,na marami nang namatay ay still alive snd kicking siya.At busy nga siya sa pagpo-promote ng latest single niya na Not Superman.

Para sa kanya, itong pandemic na nararanasan natin ngayon ay hindi pa matuturing na worst.The next time raw ay mahi-hit na tayo ng nuclear bomb.’Yun daw ang mas nakakatakot. Sabagay tama siya,di ba? Mas nakakatakot ‘yun, Isang pasabog lang sa atin ng nuclear bomb,sigurado patay na tayong lahat.Pero siyempre, ipagdarasal natin na hindi ‘yun mangyari.Na sana ay wala tayong makaaway na malakas na bansa, na may malakas na sandata o panlaban para puksain anv bansa natin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

ATE GUY SUPER HERO KAY RENDEZ

MILDRED BACUD; Naging kontrobersyal ang pagbibigay reaksyon ni John Rendez sa National Artist ni Nora Aunor na alam naman natin dalawang beses naging mailap sa kanya sa panahon ni Pinoy(2014) at Pangulong Duterte (2018). Nitong huli bago natapos ang taon last year ay pinush muli ni Congresswoman Nina Taduran na ibigay na sa Superstar ang pagkilala. May mga nambash kay John sa naging tugon niya na huwag ng tanggapin ito. Sagot niya, “Joke lang ‘yun.Syempre kung ibibigay sa kanya, tatanggapin mo pero kung pinaasa ka lang at pinaghintay huwag na.Ilang beses na ginawa sa kanya ‘yan pero kung ibigay tanggapin.”

Dahil ang titulo naman ng single ni John ay ” Not A Superman, “ng matanong siya kung sino ang Superhero ng buhay niya ay mabilis niyang sinagot na si Ate Guy. Esplika niya, ” Malaki ang utang na loob ko dyan. She showed me how to be a friend.She gave me the chance.She gave me the break and the trust. ”

ROLDAN CASTRO: Bukod sa pagiging singer, composer ,aktor ay isa rin siyang painter. Ito ngayon pinagkakaabalahan niya ng pandemya.

Tinanong siya kung halimbawang mag-paint siya ng nude, sino ang pipiliin niya.
Umiwas siyang sagutin ito. Pero puwede naman daw si Solenn Heussaff nang banggitin ang pangalan nito.
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.