Abante Tonite Interactive

Noranian iparamdam ang bagsik ni Ate Guy

904

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

 

Ang ‘Onanay’ at ipapalabas na ngayong Lunes. Ano ang pulso at damdamin niyo sa bagong melodrama offering­ sa ka-Siyete network?

Siguro naman, ang sangrekwang Noranians, may mga telebisyon sa kanilang mga bahay at may oras panoorin ito lalo na nga’t sa mga teasers pa lang kitang-kita na in her best element ang nag-iisang superstar Nora Aunor.

Siyempre pa, in her best element rin ang primera kontrabidang si Cherie Gil na super aristokratika ang ngalan, Helena.

Kung ako nga eh gitlang-gitla at natulala na ang katauhan ni Adrian Alandy ay nagmahal sa katauhan ni Jo Berry, ang nanay pa kaya ni Alandy na si Helena eh hindi malukring sa pangyayari.

Onay must be so freaking­ lovable kaya ang tulad ni Elvin ay minahal siya. O di ba, pati ang pangalan ni Adrian sa drama, parang base sa salitang elf o pang-elvish.

Pambihirang pangyayari sa atin na ang bida ay isang taong vertically challenged. Kadalasan, ang mga taong maliliit, ginagawang katatawanan at aping-api. Naway palaban at hindi nagpapa-api in a major, major way si Jo Barry bilang Onay.

Mga Noranians,­ full support tayo sa Onanay ha. Ipa­kita natin na may asim at bagsik pa rin ang nag-iisang superstar sa telebisyon.

***

Ang balana,­ dabarkads, madlang pipol pati na ang beautiful showbiz denizens ang universe ay ang Sentrong Pangkultura ng Pilipinas dahil nga ika-labing apat na taon na ang Cinemalaya, ang pinaka-bonggang film festival para sa independent films.

Sa buong CCP, may communal spirit at familial vibe. ‘Pag maganda ang pelikulang katatapos lang panoorin, dumadagundong, mainit at maigting ang pa­lakpakan.

Cinemalaya makes one fall in love with Filino films at sa napanood kong ‘Mamang’ at ‘Distance’, masasabi kong mas lalong umigting ang pagmamahal ko sa mga dekalidad at matitinong pelikulang Pilipino.

Parehong kuwento tungkol sa pamilya ang Mamang at Distance.

Ang Mamang ay tungkol sa isang matandang babaeng nag-uulyanin na, bugnutin, malungkot at ang ang tanging kaligayahan at kakampi ay nag-iisa niyang anak na si Ferdie.

Habang lumalala ang kanyang pagiging ulyanin, may nakikita siyang mga kakaibang nilalang, ang isang matakaw na sunda­long hapon at ang nama­yapa niyang asawa, hindi lang may aparisyon, nagpaparamdam talaga.

Bumabalik ang nakalipas na ‘di na dapat balikan, ang pighati, pangungulila, ligaya at sangrekwang luha.

Hindi sapat ang mga pang-uring mahusay at magaling para ilarawan husay sa pagganap ni Ms. Celeste Legaspi.

Bilang Mamang, walang make up ang grand dame, wala siyang takot na ipakita ang kanyang mga kulubot at gitla.

Ang mas hindi niya kinatakutan, ang pagpapakita at pagpaparamdan ng mga tunay emosyon, ang pagkainis sa pagiging ulyanin, ang lungkot sa katotohanang ang ang kanyang buhay, patakipsilim na, ang sakit na kahit matagal na ang panahon, hindi pa rin nabubura, ang isang dakilang pagmamahal na hindi makakalimutan at ang si Ferdie, si Ketchup Eusebio na kay husay rin.

Sobrang yin at yang si Ms. Celeste at Eusebio, in sync, swak na swak, sabay na binigyang buhay ang kanilang mga pambihirang katauhan bilang sina Mamang at Ferdie.

Yung eksenang ang mag-ina ay nagsasayaw at biglang sasambulat ang katotohanan, iba ang haplos sa puso, sa damdamin.

Mamang makes one rea­lize why mothers are God’s best gift to their children.

Bravo to team Mamang! Ms. Celeste Legaspi at Ketchup Eusebio, masyado niyang ginalingan.