Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nordine babakuran korona kontra Nonito

0 170

HINDI magpapadungis.

Hindi hahayaan ni French-Moroccan fighter Nordine Oubaali na manakawan ng WBC bantamweight belt ni Pinoy-boxer Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire.

Aniya, hindi ito magpapatalo sa bakbakan nila ng 38-anyos Pinoy ngayong Linggo na gaganapin sa Dignity Health Sports Park stadium sa Carson, California.

“I want to continue to make my story,” pahayag ni Oubaali na apat na taong mas bata kaysa kay Talibon-pride Donaire. “I want to make a great fight, a great show.”

SM food to go Banner Ad

Hawak ngayon ni Oubaali ang flawless record na 17-0 kartada habang si Nonito naman na naghahangad ng matagumpay na comeback fight ay bitbit ang 40-6 win-loss card.

Magugunitang tumumba si Nonito kontra Japanese Monster Naoya Inoue noong Nobyembre 2019 at mula noon ay hindi na uli nakabalik pa sa lona.

Kaya sa tapatan nila ngayon ng 34-anyos na French-Moroccan boxer ay inaasahang magpapakitang gilas din ito at matinding showdown sa ring ang masasaksihan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.