Abante Tonite
Mabilis sa Balita

North Cotabato gov ayaw pa sa face-to-face class

0 192

Tablado kay North Cotabato Gov. Nancy Catamco ang pilot testing ng face-to-face class sa kanilang probinsya.

Saad ni Catamco, hindi pa handa ang kanilang probinsya para sa pagbabalik ng mga estudyante sa eskuwelahan.

Aniya, patuloy pa rin kasi ang pagtaas ng COVID-19 sa lugar kung saan puwedeng mahawaan ang mga estudyante.

“I am not fully against it, but we need to delay the proposed mode of classes to prepare our health front-liners and facilities for this,” lahad ng gobernadora.

Hinimok niya ang mga opisyal ng Department of Education sa kanilang lugar na pag-aralan muna ang limitadong face-to-face class bago ito ipatupad dahil sa pagsirit ng COVID-19 case sa bansa. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.