Abante Tonite Interactive

North vs South Luzon sa LGBA derby — Crisostomo

0 275

Naghihintay ang markadong salpukan para sa mga apisyonado ng Pasay City Cockpit sa ilalargang “Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) 5-Bullstag Derby” mamaya.

Bukod sa sagupaan ng North at South Luzon gamefowl breeders, malalaman na rin sa third leg ng LGBA series ang 2019 LGBA Cocker of the Year.

Cash prizes at tropeo mula sa Sagupaan Agri­cultural Products, Inc. ang naghihintay sa mga awardee: Team champion, individual champion at top 10 sa 2019 LGBA Cocker of the Year.

Inihayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo, na naghahanda na rin ang organisasyon para sa LBC Cup 9-Stag Derby.

Kasado na rin sa PCC sa Lunes, April 15 ang “Laguna Gamefowl Breeders Association 4-Cock Derby” na tinatayang 90-100 ang mga magsusultada.
Sa mga detalye pa, kontakin sina Erica, at Ace sa 0945-4917474, 0939-4724206, 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)