Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NorthPort sinagasaan NLEX: Bolick pasiklab ng career-high

0 73

Sa likod ng career high-tying 26 points ni Robert Bolick, sinalag ng NorthPort ang fightback ng NLEX para ipreserba ang 96-94 panalo sa pangatlong laro sa Don Honorio Ventura State U gym sa Bacolor, Pampanga Linggo ng gabi.

“Gusto naming manalo para sa coaches namin, sana okay na sila,” ani Bolick, nilista ang dating career-high sa first game niya sa PBA noong Jan. 16, 2019.

Nagdagdag ng tig-14 points sina Sean Anthony at Paolo Taha, double-double na 13 points, 14 rebounds kay Jamie Malonzo at pinasadahan ng Dyip ang pangatlong sunod na panalo tungo sa 4-3 win-loss record sa Philippine Cup elims.

Hindi naglaro si Greg Slaughter (hip) pero diretso din sa third straight win si team manager Bonnie Tan na humalili pansamantala kay coach Pido Jarencio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kumonekta ng 5 for 9 sa 3s si Don Trollano tungo sa 19 points sa Road Warriors (4-4).

Sa first game, tinakasan ng Rain or Shine ang San Miguel Beer 95-93 sa game-winner ni Rey Nambatac sa final 2 seconds.

Sa likod ng 27 points ni rookie Mikey Williams, ibinaon din ng TNT ang Ginebra 88-67 sa rematch ng nakaraang taong all-Filipino Finals sa Clark bubble.

Naniguro ng puwesto sa quarters ang Tropang Giga (8-1), nabaon sa 3-5 ang defending champion Gin Kings. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.