Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Norwood 6th Man si Clarkson

0 121

Nagpaabot ng suporta para sa kanyang former Gilas Pilipinas teammate si PBA star Gabe Norwood sa pagpapasiklab ni Utah Jazz guard Jordan Clarkson sa 2020-21 NBA regular season game nitong Huwebes (Manila time).

Nanguna sa opensa ng Jazz ang Fil-Am cager na nagtala ng season-high 31 points, 7 rebounds kontra Dallas Mavericks, 116-104, sa Vivint Smart Home Arena sa Salt Lake City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tweet ng Rain or Shine veteran, “I see you out there @JordanClarksons! Has the ‘6th Man of the Year’ campaign started already?! If not, it needs to!”

Katuwang ni Clarkson para maibagahe ng Jazz ang panalo para sa 14-4 win-loss mark sina Rudy Gobert na may 29 markers at 20 boards at Joe Ingles na umayuda ng 21 pts., 8 feeds at 4 rebs.

Hindi naman nakapaglaro sa laban kontra Mavericks si All-Star guard Donovan Mitchell na inilagay sa NBA’s concussion protocol.
Naging mag-national teammates sina Norwood at Clarkson sa Philippine quintet na tumapos ng pumanlimang puwesto sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta, Indonesia. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.