Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Norwood coach ng mga tsikiting

0 152

NAGHAHANDA na ba maging coach si many-time National team member at Rain or Shine veteran forward Gabe Norwood?

Tila ganito ang landas na tatahakin ni Norwood kapag tuluyan na itong magretiro sa paglalaro dahil nagsasanay na ito mag-coach.

Sa Instagram story ng 35-anyos na basketbolista ay inaatupag ito ang pagtuturo ng basketball sa dalawa niyang tsikiting na sina Cassius at Orion.

At dahil guard ang posisyon ni long-time Gilas member Norwood, todo turo ito ng tamang pag-dribble sa kanyangmga anak.

Tutok man sa pag-ala coach si ‘Mr. President’ ay siguradong handa na rin itong kumaripas sa training dahil malapit nang magbalik ang mga team practice matapos aprubahan ng IATF. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.