Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Norwood dasal si Clarkson sa Gilas

0 242

Kagaya ng mayoryang mga Pinoy, umaasa si six-time national men’s basketball team member Gabriel Daniel ‘Gabe’ Norwood na muling makakapaglaro si National Basketball Association journeyman Jordan Clarkson sa Gilas Pilipinas na didribol sa 19th International Basketball Federation 2023 sa Philippines-Japan-Indonesia.

“Lord willing that happens and Lord willing he’s here,” bulalas ng Philppine Basketball Association two-time champion at Rain or Shine stalwart sa kapwa Fil-Am dribbler na nasa Utah Jazz sa kasalukuyan at leading NBA Sixth Man candidate nitong isang araw sa The Game ng One Sports.

Dalawang ulit nang pinahayag ni Clarkson nitong April ang kasabikang makapaglarong muli sa PH quintet sa mga panayam ng New York Times at ng One Sports din.

Pero klinaro niya na hindi dapat magtama ang mahirap niyang NBA at Jazz schedules sakaling makabalik sa Gilas kung saan siya nabinyagan noong 2018 Indonesia Asian Games.

Hinirit pa ng 36-year-old at 6-foot-6 guard-forward ng Elasto Painters na isang tamang senaryo ang makalaro si Clarkson sa harapan ng mga kababayan sa unang pagkakataon.

“We’re hosting soon and I think that would be like the perfect situation for him to set foot in the country and play at home which he hasn’t done yet.” (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.