Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Norwood nakiramay kay El-Khatid, team

0 213

Kabilang ang opisina ng International Basketbvall Federation (FIBA) Asia sa mga naapektuhan ng matinding pagsabag sa Beirut, Lebanon nitong Martes kung saan may mahigit 100 ang mga namatay at lampas 5,000 ang mga nasugatan bukod sa maraming pininsala.

Ito ang inihayag kahapon ni dating Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) deputy executive director Bernie Atienza kung saan walang grabeng nasaktan na mga Pilipino na nagtatrabaho sa nadamay na tanggapan ng world governing cage body.

Lumipat ng Beirut ang ang FIBA Asia headquarters na nasa downtown at malapit lamang sa port ng Beirut. Kaugnay nito nakisimpatiya naman si Gilas Pilipinas player Gabe Norwood at dating player Jimmy Alapag sa Lebanon national basketball team na pinamumunuan ni Fadi El-Khatib at maging sa FIBA. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.