Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Norwood, Rain or Shine ipapagpag ang kalawang

0 122

Mauuna nang magpapagpag ng kalawang sina Javee Mocon, Rey Nambatac, Gabe Norwood at Rain or Shine sa Pampanga.

Habang hinihintay ang restart ng PBA Philippine Cup sa lalawigan, uumpisahan ng Elasto Painters ang face-to-face practice.

“Rain or Shine Elasto Painters to form a practice bubble in Pampanga while awaiting the resumption of PBA Season 46,” post ng RoS Lunes sa kanilang Instagram account.

May green light na ng lalawigan ang restart, sulat ni Gov. Dennis Pineda na lang ang hinihintay ng PBA para ipi-prisinta ni commissioner Willie Marcial sa IATF.

“Kasi ‘yung letter na ‘yun ipe-present ko sa IATF para malaman nila na okay na lahat tayo doon sa Pampanga,” punto ni Marcial.

Related Posts

Semi-bubble ang format, mas malamang gamiting venue ang Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor.

Kasama ang AUF gym, Colegio de Sebastian sa San Fernando at Beverly Place sa Mexico sa mga practice venues, malamang nakahanap ang Painters ng lugar na sila lang ang gagamit.

Karamihan sa 12 teams ay tutuloy sa Quest Hotel na ginamit ng PBA nang itayo ang Clark bubble noong nakaraang taon. Ang iba ay sa villas.

Inumpisahan ng Rain or Shine ang torneo sa three straight wins, tumikim ng back-to-back losses bago nakabawi sa Terrafirma 83-77 noong Aug. 1, dalawang araw bago sinuspinde ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Pasig. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.