Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nostradamus ng `Pinas: 14 mangingisda na-trap sa ilalim ng dagat

0 594

Noong Hunyo 28 pa naganap ang salpukan ng isang fishing boat at Hong Kong cargo ship sa karagatang sakop ng Occidental Mindoro subalit hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan ang 14 na mangingisdang Pilipino. Wala pa ring kahit isang bangkay na lumutang sa dagat.

Tinuklas ni Jay Costura, ang tinaguriang Nostradamus ng social media sa Pilipinas, kung saan naroroon ang mga mga kababayan nating mangingisda at mangingilabot kayo sa kanyang mga inilahad sa programang “Usisera” ni Jennifer Go sa Abante Radyo Tabloidista.

Sabi ni Costura, mga netizen din ang nagsabi sa kanya tungkol sa nawawalang mga mangingisda. Hanggang sa pinuntahan siya ng mga kamag-anak ng mga mangingisda para magpatulong sa kanya.

Ginamitan ni Costura ng astral projection na tinawag niyang “pagtawid” ang paghahanap sa 14 na mangingisda. Ginawa niya ito kasama ang mga kamag-anak ng mga nawawala para makita kung nasaan ang mga mangingisda.

“Para kang nag-a-astral, humihiwalay ang presence mo sa katawan mo. Maaaring makita mo doon ang pangyayari. Para hindi mahusgahan ng taumbayan mas gusto ko kamag-anak ang tumawid kasi baka ako i-judge ng mga tao na `ay baka acting lang niya `yan’,” ani Costura.

“In-upload ko rin actual na pagtawid namin talagang nakakakilabot siya,” aniya pa. “Hindi clear [ang video] pero may mga blurred visions ka, may mga tao kang makikita blurred nga lang ang mukha.”

Sobra aniyang nahirapan sila sa “pagtawid” dahil lubhang napakalalim na ng tubig at madilim. Hirap din silang huminga at mistulang na-trap aniya ang mga mangingisda sa loob ng kanilang cabin.

Ginamit din umano ni Costura ang kanyang third eye sa “pagtawid” nila.

“Ang energy that I have ay ino-open ko rin ang third eye na tatawid kasi hindi mo siya puwede bitawan. Possessed ka kailangan gabayan mo sila. Ang dasal ko hindi Latin words kundi galing sa puso na humihingi ng tulong,” paglalahad ni Costura.

Panoorin ang kabuoan ng panayam kay Costura sa Facebook at YouTube account ng Abante Radyo Tabloidista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.