Abante Tonite Interactive

NOT TOO YOUNG SI RHODES?

By
5

Ipinarating ni Charles Rhodes kay National coach Chot Reyes na gusto niyang lumaro sa Gilas Pilipinas, pero mukhang tablado ang dating PBA Best Import.

Ang dahilan: Nagkakaedad na si Rhodes, naggiya­ sa San Miguel Beer sa kampeonato ng Commissioner’s Cup noong July at dito nakuha ang kanyang best import plum.

Naghahanap ng gagamiting naturalized player ang Gilas, mukhang hindi na talaga babalik si ­Andray Blatche. Si Rhodes ay 32 na, mas may edad pa ng isang taon kay Blatche.

Post ni Rhodes (@officialcrhodes) sa Twitter: ­“@­coachot Hello Coach, I want to play for you and the Philippines. Please consider, as I want to represent this country on and off the court.”

Nakarating kay Reyes ang panawagan ni Rhodes, sa Twitter din sumagot ang coach.

“Appreciate the offer of @officialcrhodes to play for Gilas. We really like his game…” at “…But our mandate in the search for naturalization candidates is to go for youth – in the 23-28 yo range. Just like @drayblatche in 2014” ang magkasunod na tweet ni Reyes (@coachot).

Nagpasalamat kay Reyes si Rhodes, pero may hirit pa: “But I understand you are looking for youth. And I hope you all find that. But this is the COLOSSUS. Age ain’t nothing but a Number.”

Ibig sabihin niya marahil sa Colossus ay ang fictional superhero ng Marvel Comics, o ang Colossus of Rhodes — ang higanteng istatwa ng Greek god of the sun na itinayo sa Rhodes.
Superhero o giant statue ang nagprisinta, sa dulo ay maghahanap ang Gilas ng mas bata.