Abante Tonite Interactive

Notebook, passport at misteryosong lalaki

309

Dear Dream Catcher,
Nais ko lang po sana malaman ang kahulugan ng panaginip ko. Parang naroon daw po ako sa isang maliit na opis. Walang masyadong gamit doon pero ang pumukaw sa atensyon ko ay ang magkakapatong na notebook.

Bawat isang notebook ay may nakaipit na passport tapos isang lala­king medyo may edad na ang nag-abot sa akin ng passport ko. ‘Yung matandang lalaking ‘yun madalas ko siya makita sa mga panaginip ko na ini-interview raw ako pero sa tunay na buhay hindi ko talaga siya kilala. Ano po kaya ang ibig sabihin nito?
Lyn

Dear Lyn,
Tatlong simbolismo ang nasa iyong panaginip: Ang mga notebook, ang passport at ang matandang madalas mong makita sa panaginip.

Abante Hiring – IT dep

Ang notebook ay sumisimbolo sa mga bagong responsibilidad at gawain na maaaring ipinapaalala ng iyong subconscious. Sa aktuwal na buhay, ang notebook ay ginagamit para ilista ang mga kaila­ngan mong gawin at mga impormasyon na gusto mong matandaan. Halos ganito rin naman ang indikasyon nito sa iyong panaginip.

Bukod dito, ang notebook ay maaari ring ikonek sa mga importanteng isyung hindi mo nabibigyang pansin.

Related Posts

Sa iyong panaginip, nakita mong nakapatas ang mga notebook na maaari namang indikasyon na kailangan mong maging mas organisado sa iyong buhay.

Ang passport naman sa aktuwal na buhay ay sumisimbolo sa pagbibiyahe at sa panaginip ay ganito rin ang nirere­presenta nito. Maari namang hindi aktuwal na pagbibiyahe dahil puwedeng ispirtual o maari naman itong ikonek sa pagbabago ng direksyon.

Puwede ring sa aktuwal na buhay ay may ikinukonsidera kang pagbabago ng career o trabaho kung saan kakailanganin mong lumayo sa nakasanayan mo. Halimbawa ay kung may ikinukonsidera kang pagtatrabaho sa ibang bansa.
At ang ikatlong simbolismo ay ang matandang lalaki na madalas mong napapanaginipan pero sa aktuwal na buhay ay hindi mo naman kilala o hindi naman tunay na nag-e-exist.

Ang taong ito ay representasyon mo. Siya ang kumakatawan sa iyong personalidad. Kaya kung sa iyong panaginip ay iniabot niya sa iyo ang passport mo, maaa­ring mensahe ito ng iyong subconscious na deep inside ay handa ka sa pagbabago ng lugar o direksyon o handa ka sa malaking pagbabagong kailangan mong pagdaanan.

Dream Catcher

***
DISCLAIME­R: Ang DREAM CATCHE­R  ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pa­naginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang espiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.