Abante Tonite Interactive

Novak silat kay Thiem

303

Sinorpresa ni Dominic Thiem si Novak Djokovic 6-2, 3-6, 7-5, 5-7, 7-5 sa Court Philippe Chatrier sa match na tumulay ng dalawang araw at pinigil ng tatlong rain delays.

Unang tumapak sa court ang dalawa Biyernes ng hapon, nasuspinde ang match sa 6-2, 3-6, 3-1 nang bumuhos ang ulan. Hindi na lumabas ng kani-kanilang locker rooms ang magkatunggali.

Nang ituloy kinabukasan, inari ni Thiem ang third set, natalo sa fourth pero nakabuwelta sa fifth at final set para sipain sa Paris ang world No. 1.

Kinuha ni Thiem ang tiket sa pangalawang sunod na biyahe sa French Open final sa loob ng 4 hours, 13 minutes.

Natuldukan ang 26-match winning streak sa majors ni Djokovic.

Naghihintay sa Austrian sa championship si Rafael Nadal. Liyamadong liyamado ang Spaniard, hindi pa natatalo ang 11-time Roland Garros champion sa lahat ng sinabakang championship matches sa grand slam event.

Tiwala sa kakayahan si Thiem, pero ayaw niyang i-pressure ang sarili. (VE)