Abante Tonite Interactive

November 6 voter’s registration ulit

By
22

Muling ipagpapatuloy ng Commission on Election (Comelec) ang pagdaraos ng voter’s registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections kasunod ng ginawang pagsuspinde sa halalan.

Sinabi ni outgoing Comelec Chair Andres Bautista, magtatagal ang voter’s registration sa loob ng 25 araw o hanggang sa Nobyembre 30 lamang.

Layunin umano nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong regular at youth voters na makapagpatala upang makaboto sa halalan sa susunod na taon.

Ang nasabing halalan ay idaraos sana sa Oktubre 23, pero ipinagpaliban ng poll body sa Mayo 14, 2018, matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10952.

Gusto pa ng Comelec na makapagparehistro ang mga kabataan na maaari nang bumoto sa susunod na halalan.