Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NOW Telecom-Velarde lumobo utang sa P2.6B

0 685

Ni Eileen Mencias

Kinakalampag na ng National Telecommunications (Commission (NTC) ang NOW Telecom para bayaran na ang P2.6 bilyong supervision and regulations fees (SRF) kasama na ang multa nito na lumobo simula pa noong 2004.

Nakasaad ito sa liham ng NTC sa NOW Telecom na may petsang Oktubre 12, 2020 na ipinakita ni Infrawatch convenor Terry Ridon sa Bilyonaryo.com.ph.

Ang NOW Telecom ay ang self-proclaimed fourth telco player na pag-aari ng negosyanteng si Mel Velarde.

Hiniling na ni Ridon, dating party-list congressman, sa NTC na suspindehin ang license to operate ng NOW Telecom hangga’t hindi nito nababayaran ang mga pagkakautang sa ahensya.

Base naman sa demand letter kay NOW Telecom chief operating officer Rene Rosales, hiniling ni NTC Director Imelda Walcien sa kompanya ni Velarde na bayaran ang utang nitong P2,566,410,944.99 hanggang Nobyembre 30, 2020 “alinsunod sa Section 40(e) ng Public Service Act.”

Pinaghiwa-hiwalay pa ng NTC sa apat na item ang mga utang ng NOW Telecom sa ahensya katulad ng mga sumusunod:

*P2.30 bilyon – P896.558 milyon sa SRF at P1.41 bilyong multa – simula 2004 hanggang 2017;

*P99.049 milyon – P57.566 milyon sa SRF at P41.462 milyong multa – noong 2018;

*P92.138 milyon – P57.566 milyon sa SRF at P34.552 milyong multa – noong 2019; at

*P67.85 milyon sa SRF nitong 2020 (nakabinbin pa ang ipapataw na multa).

Base sa dokumento, nagbayad lang ang NOW Telecom ng P20.526 milyon (P10.263 milyon noong 2018 at 2019) simula 2004 hanggang 2020.

Ayon sa NTC, ang mga babayaran ay isasailalim pa sa assessment batay sa magiging “final and executory decision or resolution” ng Supreme Court (SC) sa kasong inihain ng NOW Telecom.

“Any payment received shall be treated as provisional payment for the 2020 SRF,” sabi ng NTC.

Bilang tugon naman sa pagtatanong ng Bilyonaryo.com.ph, nanindigan ang abogado ni Velarde na si Atty. Gilberto D. Gallos ng Angara Abello Concepcion Regala & Cruz Law Offices, sa panig ng NOW na wala itong pagkakautang sa SRF at spectrum user fees (SUF) sa NTC.

“The validity of the claim of the NTC is the subject of a dispute pending in the Supreme Court. Let us just abide by and respect the judicial process, and wait for the resolution of the Supreme Court. Until then, please refrain from publishing or making any public statement that will unduly influence public opinion as well as the members of the Supreme Court,” pahayag ni Gallos na binigyang diin pa na para sa clarity” ay hindi siya ang tagapagsalita ng NOW.

Binigyan din ng Gallos ang Bilyonaryo.com.ph ng kopya ng “Certificate of No Outstanding Liabilities” na inisyu ng NTC mismo kung saan nakasaad na

“no uncontested obligations” sa ahensya ang NOW hanggang Oktubre 2018.

Nagsimula ang gusot ni Velarde sa NTC noong 2005 matapos na ma-assess ang NOW, na kilala pa noon bilang Next Mobile, na may kabuuang P153 milyong unpaid SRP at SUF mula 2005.

Binase ang assessment sa subscribed at paid capital ng NOW na tumaas ng mahigit anim na beses sa P2.634 bilyon matapos na magpatupad si Velarde ng debt reduction at equity restructuring program noong 2003.

Tinangka ni Velarde na ipabasura ang NTC assessment subalit tinanggihan ito ng Court of Appeals noong 2009. Sa nasabing taon din ay inakyat niya ang kaso sa SC kung saan nakabinbin pa ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.