Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Now Telecom-Velarde pigain sa P2.6B utang

0 384

Nanawagan si Infrawatch PH convenor Terry Ridon sa National Telecommunications Commission (NTC) na maghain ng motion for early resolution sa Korte Suprema, para sa P2.6 bilyong sinisingil nitong supervision and regulation fee (SRF) at spectrum user fee (SUF) sa NOW Telecom Company Inc na pag-aari ng negosyanteng si Mel Velarde.

Aniya, makatutulong ito para madagdagan ang panggastos ng pamahalaan na masyado nang umaasa sa utang dahil bumagsak ang koleksyon nito sa buwis simula nang magkapandemya.

“With the coronavirus crisis reaching unprecedented levels, every agency’s contribution to the public coffers is a paramount obligation,” sabi ni Ridon.

Sumulat ang NTC kay NOW Telecom chief operating officer Rene Rosales noong October 12, 2020, para singilin ito ng P2.6 bilyon para sa SRF at SUF na pinababayaran sana bago sumapit ang November 30, 2020.

SM food to go Banner Ad

“With an immediate resolution of NOW’s appeal, government stands to gain an additional P2,566,410,944.99 (P2.566 Billion) in fresh funds to address the pandemic,” sabi ni Ridon. “For context, this amount can cover crisis subsidies benefiting at least 641,500 households. The urgency to undertake this initiative cannot thus be overstated.”

Taong 2005 nang siningil ng NTC ang NOW Telecom ng P126 milyon para sa SRF at P9.7 milyon para sa SUF nang Next Mobile Inc. pa ang pangalan nito. Hindi umano binayaran ng NOW ang sinisingil ng NTC kaya’t dinala nito ang isyu sa mga korte. Umabot ang kaso sa Court of Appeals kung saan muling natalo ang NOW Telecom kaya’t tumakbo naman ito sa Korte Suprema.

Sa October 2020 assessment ng NTC sa NOW Telecom, P896.6 milyon ang sinisingil nitong SRF para sa 2004 hanggang 2017 at umabot na sa P1.4 bilyon ang penalty nito. Sinisingil din ng NTC ng taunang SRF na P64 milyon ang NOW Telecom para sa 2018 hanggang 2020 ngunit dalawang beses pa lang nagbayad ang NOW Telecom para dito at tig P10.3 milyon lamang ang binayad nito para sa 2018 at 2019 kayat umani na muli ang kompanya ng mga bagong penalties. Para sa 2018, ang penalty nito ay nasa P41.5 milyon na at ang penalty para sa 2019 ay nasa P34.6 milyon. Wala pang penalty na sinisingil ang NTC para sa 2020 sa October 2020 assessment nito.

Sabi ng kampo ng NOW Telecom, nasa Korte Suprema ang bola at hindi ito makakapagsalita tungkol sa isyu dahil nasa korte pa ito. Hindi rin sinagot ng kampo ng kompanya kung nagbayad ito ng SRF at SUF noong 2020. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.