Abante Tonite Interactive

Nowitzki may bagong papel sa Mavericks

By
704

Sa loob ng 20 seasons, starter ng Dallas Mavericks si Dirk Nowitzki.

Pagpasok ng kanyang 21st, handa na ang 7-foot German sniper na gampanan ang bagong papel – support cast ng Mavericks.
Record na ang 21 seasons ni Nowitzki, 40, sa iisang franchise.

Magiging off the bench na si Nowitzki pagpasok ng 2018-19 season, mula sa pagi­ging starter sa buong career.

“At this point, and Dirk knows this, we talked about it, we have to move the franchise forward the right way,” pahayag ni coach Rick Carlisle sa media day ng Mavs nitong Biyernes.

Hahalili sa kanya sa starting lineup ang bagong saltang si ­DeAndre Jordan.

“When we signed DeAndre, it was ­pretty much clear in my head that I’m coming off the bench,” pakli ni ­Nowitzki.

Ang mahalaga sa kanya ay manalo ang team, magkaroon ng patutunguhan.

Ninth pick overall ng Milwaukee Bucks si Nowitzki noong 1998 at nakuha ng Dallas via trade.

MVP ng 2006-07 season si Nowitzki, Finals MVP noong 2011 nang ihatid sa kampeonato ang Mavericks. Isang 13-time All-Star, siya lang ang international player na may mahigit 30,000 points sa NBA career.

“Yeah, it’s going to be a little different, but I’m 40 years old. I think I can pretty much adjust to anything because of my experience,” ani Nowitzki.

Slow starter siya, pero gagamayin ang bagong papel.

“I was always kind of a slow starter. I’ll have an extra coffee or something and come off firing,” panapos niya.