Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nowitzki, Nash dinedma TikTok

0 227

Hindi nakiuso at binalewala lang nina dating National Basketball Association (NBA) stars Dirk Nowitzki at Steve Nash sa patok sa mundong TikTok dance.

Iiling-iling lang ang nagretiro noong isang taon sa Dallas Mavericks na 42-year-old, seven-footer German na si Nowitzki habang sumasayaw sa tabi niya ang isang bata.

Inisnab din ni Nash, 46 ang edad, 6-3 ang taas at nasabit ng Los Angeles Lakers jersey noong 2016, ang ilang beses na pabalik-balik na pagsasayaw sa isang dalagita habang tutok sa hawak na celfone.

Patay malisya lang ang dalawa sa kinagigiliwang Chinese video-sharing social networking dance challenge habang naghihintay sa pagbabalik, simula ng 74th NBA 2019-20 sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Florida sa Hulyo 30. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.