Abante Tonite Interactive

Noynoy gunggong, JoMa ugok! — Duterte

By
10

Hindi pa rin maka-move on si Pangulong Rodrigo Duterte sa puna ni dating Pangulong Noynoy Aquino na tila wala namang nangyari sa war on drugs na inilunsad ng kanyang administrasyon.

Sa pagbisita ni Duterte sa Ozamiz City Police Station sa Ozamiz City, Misamis Occidental kahapon, muli nitong binakbakan si Aquino.

“…na hayaan ko ‘yung bayan ko na lulutang sa droga. Eh ano ang sabihin ng tao sa akin? Eh kasi kita mo ‘yung panahon niya. Kaya ako nagalit kay… Kaya tinawag ako ‘yung former President gunggong. Eh talagang gunggong siya,” ani Duterte.

Abante Hiring – IT dep

“Tinanong siya, kumusta ang pagtingin mo sa fight against drugs? Anong sagot ng — eh simple-minded rin talaga eh. Sabi, wala mang nangyari. Anong walang nangyari? Eh ‘yung na-embargo ko na shabu, katumbas lang sa six years niya. Ako, mag-iisang taon. Tapos sabihin niya walang nangyari,” ayon kay Duterte.

Hindi rin nakaligtas sa Pangulo si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison nang patutsadahan niya ito at tawaging ugok.

“…ito si Sison, isa ring ugok. T*** i**, gusto niya, siya lang ang sosya­lista. Ako daw, peke. Paano ko hindi maging sosyalista? I’m always left because I’m…migrants lang kami dito sa Mindanao. Dumaan rin kami nang hirap. Dumaan kami ng demolition ng bahay namin. Tapos, just because you are not joining the armed struggle, peke ka na,” paghahayag ni Duterte.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang gustong mangyari ni Sison ay hindi kapareho ng kanyang style.