Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Noynoy na-cremate na, libing sa Sabado

0 74

Na-cremate na ang mga labi ni dating Pangulong Benigno Simeon `Noynoy’ C. Aquino III.

Nitong Hunyo 24 ng umaga payapang pumanaw habang natutulog si Noynoy, ayon sa kanyang kapatid na si Pinky Aquino-Abellada.

Pumanaw si Noynoy dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Ayon naman kay Kris, sa Sabado ililibing ang kanyang Kuya Noy sa tabi ng puntod ng kanilang mga magulang sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Nagpaabot siya ng pasasalamat sa lahat ng tumulong at lahat ng nakiramay sa pamilya Aquino.

Public viewing sa Ateneo

Bilang pasasalamat sa lahat ng nag-alay ng panalangin at pakikiramay para kay Noynoy ay magkakaroon ng isang araw na public viewing sa pinaglagyan ng kanyang mga abo sa Church of the Gesu sa Ateneo de Manila University (ADMU) campus sa Quezon City.

Ang public viewing ay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi ngayong Biyernes, Hunyo 25.

Bilang pagtalima sa mga regulasyon para sa COVID-19, hinimok ng pamilya Aquino lahat na nais magbigay ng huling respeto sa dating pangulo na sundin ang mga health protocol na ipatutupad sa Ateneo na may koordinasyon sa mga awtoridad.

Ila-live streaming din ng ADMU community ang public viewing sa pamamagitan ng Radyo Katipunan 87.9 FM Facebook page. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.