Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Noynoy nagmarka sa sports

0 67

Hindi lang sa mga kataga niyang “Kayo ang boss ko.. ,” “Walang mahirap kung walang korap” at sa ‘Daang Matuwid’ maaalala ang dating Pangulong Benigno Simeon ‘Noynoy’ C. Aquino III na namatay sa edad na 61-anyos Huwebes ng umaga dahil sa isang karamdaman.

May mga iniwan din siya o nagawa para sa sports sa panahon ng panunungkulan bilang Chief Executive noong June 30, 2010-Hunyo 2016.

Ilang mga naganap sa liderato nang mahilig sa mga sports car at gun, ang pagkakapanalo ni Manny Pacquiao noong November 2010 kay Mexican-American Antonio Margarito para sa World Boxing Council super welterweight title para sa pangwalong world boxing weight class title na siya pa lang ang nakagawa.

Pagkakatanghal kay Juvic Pagunsan noong December 2011 bilang Asian Tour Order of Merit champion sa likod ng kinitang $788,298.

Paglagda ng Presinte noong August 2015 sa Republic Act 10676 o Student-Athletes Protection Act na nag-aalis sa two-year residency rules sa collegiate leagues kabilang ang University Athletic Association of the Philippines, at iba pa. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.