Abante Tonite Interactive

Noynoy walang balak kumandidato sa 2019 — VP Leni

By
585

Mananatili na lamang sa kanyang pribadong buhay si dating Pangulong Benigno ”Noynoy” Aquino III.

Ayon ito kay Vice President Leni Robredo na kapartido ni Aquino sa Liberal Party bilang tugon na rin sa tanong kung kinokonsidera ng partido ang dating Pa­ngulo na isama sa senatorial line up nito.

Sinabi ni Robredo, simula pa man ay hindi na interesado ang dating Pangulo at gustuhin nitong manatili na lamang bilang isang pribadong mamamayan.

“Klaro from the very start na hindi siya interesado. Parati niyang sinasabi, in private and in public, na wala siyang balak kumandidato,” ayon kay Robredo.

Kasabay nito, nilinaw ni Robredo, na hindi sa popularidad ang batayan ng partido sa pagkuha at pagpili ng kanilang dadalhing kakandidato sa darating na halalan.

Sa halip, ayon kay Robredo, tumatayong chairperson ng partido na sa paniniwala at adbokasiya ang pinakamahalagang titingnan ng partido.

Kailangan umanong masiguro na ang paniniwala at paninindigan ng kanilang pipiliin pagdating sa iba’t ibang isyu ay tugma at iisa sa paniniwala ng partido.

Sa ikalawang linggo ng Oktubre ay maaring ianunsiyo na umano nila ang pinal na senatorial slate ng oposisyon.