Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Noypi 2nd sa ultramarathon

0 46

Kumakasang pumangalawa ang isang 49-taong-gulang na Pinoy nurse sa Dublin na si Rolando Espina ng Bacolod City sa 47 naglaban sa 8th Ultramaratona Milano Sanremo 2022 sa Italy noong Abril 22-24.

Tinugaygay niya ang 285-kilometrong makabali-tuhod at makasabog bagang karera sa 38.5 oras para mahablot ang silver medal sa event rumuta sa 12 probinsya at 54 na bayan ng nasabing European country.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naka-pink medyas siyang tumakbo sa karerang nilarga sa Duomo Cathedral grounds sa Milan at natapos sa Sanremo. Inawit niya ang Lupang Hinirang pagkatanggap ng medalya, at ayon sa kanya ito na ang pinakamataas na naabot ng isang pambato ng ‘Pinas sa taunang karerahan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.