Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA kinakaladkad inosente sa karahasan – NTF-ELCAC

0 137

Patuloy ang paggamit ng New People’s Army (NPA) sa mga ‘child warriors’ at anti-personnel mines (APM) na pawang ipinagbabawal ng International Humanitarian Law.

Ito ay pinatunayang muli ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos matanggap ang ulat ng dalawang sagupqan sa pagitan ng mga tropa ng pamahalaan at ng mga teroristang-komunista sa Agusan Del Sur at Surigao del Sur kamakailan lamang, na nagresulta sa pagkakahuli ng isang batang babae at pagkamatay ng tatlong miyembro ng NPA matapos ang labanan na nakakumpiska din ng mga baril, pampasabog at mga gamit para makagawa ng APM.

“Todo kasinungalingan, dahil napakabilis pinihit ng NPA ang pangyayari, na ang mga napatay ay mga magsasaka lamang at isang kabataan na mag-aaral, upang maitago nila ang katotohanan na dumudukot sila ng ating mga kabataan upang gawing ‘child warriors’ sa kanilang paghahangad na maagaw ang kapangyarihan sa pamahalaan. Ito po ay isang babala, huwag po kayong padadala sa black propaganda. Ang pangalawang enkwentro kung saan napatay ang tatlong miyembro ng NPA ay dahil sa mga impormasyong ibinigay ng batang babaeng nahuli sa unang labanan sa Agusan,” ang sabi ng NTF-ELCAC sa kalatas na ipinamahigi nito sa media.

Ang unang sagupaan ayon kay Lieutenant Colonel Benedict Harvey Gernale, commander ng 3rd Army Special Forces Battalion ay naganap sa Barangay Mabuhay, Prosperidad, Agusan del Sur noong Lunes kung saan nagsasagawa ng combat operations ang mga militar nang makasagupa nila ang mga tinatayang nasa sampung miyembro ng komunista na nakipagpalitan ng putok sa kanila.

Wala namang namatay sa magkabilang panig, subalit nagresulta sa pagkakahuli sa isang menor de edad at pagkakarekober ng sampung backpacks, tatlong cellular phone at mga gamit sa paggawa ng APM.

SM food to go Banner Ad

Ang na-rescue ay naiturned-over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Prosperidad.

Sa paglalahad ng na-rescue sa mga lugar na pinamumugaran ng mga dumukot sa kanyang NPA, isa pang Army Special Forces ang ipinadala kinabukasan sa Sitio New Decoy, Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur ngunit bigla silang pinaputukan ng mga NPA at nagpasabog pa.

Tatlo umanong kaanib ng mga rebelde isang lalaki at dalawang babae ang napaslang na kinilalang sila Lenie Perez Rivas, 38; Willy Salinas Rodriguez, 20, at isang 12 taong gulang.

Kinondena naman ni Brigadier General Allan Hambala, commander ng 401st Brigade, ang paggamit sa mga kabataan bilang combatant ng NPA.

“Ang insidenteng ito ang magpapatunay na walang halaga sa mga NPA ang karapatang pangtao at lantaran nilang nilalabag ang International Humanitarian Law sa pangdurukot at panghihimok ng mga kabataan na sumanib sa kanilang walang halagang pakikibaka,” ang sabi ni Hambala.

Leave A Reply

Your email address will not be published.