Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA leader na may P5M sa ulo timbog

0 91

NALAMBAT ng pinagsanib na pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army sa Pampanga na may patong ng halos P5 milyon sa ulo .

Kinilala ni Major General Alfredo Rosario, Commander of the Army’s 7th Infantry Division, ang inaresto na si Jose Bernardino alias Oying, kilalang “notorious NPA Secretary” ng Central Luzon Regional White Area Committee na siyang nasa harap umano ng mga extortion, labor organising at youth recruitment sa Region 3 urban areas kung saan may patong itong P4.7 milyon sa ulo.

SM food to go Banner Ad

Nangyari ang pag-aresto dalawang araw matapos maaresto si Amanda Echanis alias Waya, isang NPA Finance Officer sa Cagayan Valley, na natimbog sa Baggao, Cagayan.

Nakuha sa kanya ang cal .45 pistol, isang hand grenade, NPA flag, mga dokumento at personal effects. (Rudy Abular/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.