Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA lider na dawit sa 2 Manobo murder timbog

0 55

Arestado ang isang lider ng New People’s Army (NPA) na sangkot sa pagpatay sa dalawang Manobo tribesman sa isinagawang operasyon ng pulisya Huwebes ng gabi sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief General Debol Sinas kahapon.

Kinilala ni Sinas ang nadakip na lider ng NPA na si Rogelio Balansag De Asis alyas Dhudz, Chairman ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas at miyembro rin ng Regional White Area Committee sa ilalim ng Regional United Front Committee.

Ayon kay Sinas, nadakip si De Asis alas-9:00 ng gabi sa Agusan del Norte sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Crimes against International Humanitarian Law, Genocides, at iba pang krimen laban sa humanity at Murder kung saan walang piyansang inilaan para sa pansamantala niyang Kalayaan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si De Asis ay isa sa mga suspek sa pagpatay kina Zaldy Acidillo Ybañez at Datu Bernandino M. Astudillo, kapwa miyembro ng Manobo tribe at dating mga NPA na nagbalik loob sa pamahalaan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.