NPA may death threat kay Digong

536

Dapat ipakita ng New People’s Army (NPA) na sinsero silang bumalik sa usapang pangkapayapaan.

Sinabi ito ni Senador Bong Go sa gitna ng ulat na may death threat ang NPA kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung gusto niyo pala ng peace talks, wala na kayong kakausapin na tao kung papatayin ninyo. Kung gusto niyo ng kapayapaan, kung gusto ninyo ng usapang pangkapayapaan, buhayin ninyo ‘yan,” sabi ni Go.

Aniya, sinserong kausap ang Pangulo at kapag nawala ito ay wala nang ibang tao na makikipag-usap pa sa mga rebeldeng komunis­ta.

Nabatid naman sa Presidential Security Group (PSG) na bukod sa mga rebeldeng komunista ay inilagay din ng mga drug criminal at syndicate ang Pangulo sa kanilang hit list.

Dahil dito, lalong pinaigting ng PSG ang kanilang pagbibigay ng seguridad para kay Pa­ngulong Duterte.

Nagbabala rin si Go sa NPA na mag-isip-isip bago pagbantaan ang Pangulo.
Pinaalala pa nito na minsan binisita nila ang balwarte ng mga rebelde sa Davao na walang security personnel para i-rescue ang mga bihag na sundalo.

“Ibig sabihin, nagtiwala kami sa inyo. Umakyat kami ng bundok na walang bodyguards or armas. Nagtiwala ang Pangulo sa inyo. Kung gusto ninyo ng kapayapaan, makipag-usap kayo,” ani Go. (PNA)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...