Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo

0 67

RECLUSION perpetua o habambuhay na pagkabilanggo ang binaba ng korte sa isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Maddela, Quirino kamakalawa.

Ayon sa korte ng bayan ng Maddela, hinatulang guilty ng korte ang dating miyembro ng NPA, na hindi muna pinangalanan, sa kasong violation of section 3 ng RA 9516 o unlawful manufacture, sales, acquisition, disposition, improvise or possession of explosive of incendiary device noong Abril 21, 2022.

Base sa court record, napag-alaman na nag-ooperate ang dating rebelde sa mga lalawigan ng Cagayan Valley bago ito mahuli pagkatapos ng isang engkwentro laban sa mga militar ng 86th Infantry Battalion noong 2017.

Ayon kay 502nd Infantry Brigade commander B/Gen. Danilo D. Benavides, ang hatol ay tagumpay para sa lahat ng naging biktima ng karahasan na dulot ng mga NPA sa region at sa mamamayang Pilipino. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.