Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA nalagasan ng 2 sa engkuwentro

0 367

DALAWANG miyembro ng New People’s Army ang napatay habang isang sundalo ang nasawi sa nangyaring engkuwentro sa Ilocos Sur noong Sabado, ayon sa report sa Camp Aquino sa Tarlac City.

Sa report, sinabing nagsasagawa ng security patrol ang 702nd Infantry Brigade sa Candon City nang makaengkuwentro ang mga miyembro ng Komiteng Larangang Gerilya-South Ilocos (KLG-SIS) sa pangunguna ni Alyas “Nero.”

Mga residente mismo ang nagsumbong sa militar dahil sa pagkakaroon ng mga armadong grupo sa kanilang komunidad kaya nagpatrulya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naunang nagdeklara ang Ilocos Sur na persona non-grata ang mga rebeldeng NPA.

Inatasan naman ni Northern Luzon Command Chief, Lt. Gen. Ramiro Manuel Rey ang mga sundalo na mas paigitingin ang pagpapatrulya.

Kaugnay nito’y umakyat na sa walo ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng military at NPA sa Candon City, Ilocor Sur. (Kiko Cueto/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.