Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA nalagasan sa sagupaan kontra SAF

0 339

Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang naganap na engkuwentro kontra sa mga tauhan ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Lunes ng umaga, sa bayan ng Sta. Catalina, Negros Oriental.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6:00 ng umaga, habang nagpapatrolya ang mga miyembro ng isang platoon ng PNP-SAF sa Brgy. Nagbinlod sa bayan ng Sta. Catalina nang makaengkuwentro ng mga ito ang hindi pa batid na miyembro ng NPA.

Umabot ang palitan ng putok ng halos 15 minuto hanggang sa umatras ang mga NPA sa labanan.

Iniwan ng mga ito ang dalawa nilang kasamahang nasawi sa engkuwentro na inaalam pa ang pagkakakilanlan habang nakuha sa mga bangkay ng mga ito ang isang M16 rifle, 1 .22 caliber revolver magnum, 3 piraso ng M16 Magazine at mga bala nito, gayundin ang mga bala ng iba’t ibang kalibre ng baril at mga subersibong dokumento ng kanilang samahan.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan.

Sa ngayon ay patuloy na sinusuyod ng mga tauhan ng pulisya ang lugar ng pinangyarihan habang nagsagawa naman ng mga checkpoint sa mga posibleng daanan ng mga nagsitakas na mga NPA. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.