Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA official na may P6M patong sa ulo, dedo

0 295

Nasawi ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring engkuwentro sa military sa Zamboanga del Norte, ayon sa Western Mindanao Command.

Kinilala ang namatay na si Leonardo Nabong, alyas Otik/Berto/Bonie, dating secretary at kasalukuyang 1st Deputy Secretary ng Western Mindanao Regional Party Committee. Ayon kay 102nd Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Leonel Nicolas, si Nabong ay Executive Committee member ng Komisyon Mindanao (KOMMID).

Mayroon din umano siyang arrest warrant sa kasong multiple murder na may quadruple frustrated murder at damage to government property, at kasong rebelyon na inilabas ng Regional Trial Court, 10th Judicial Region Branch 36 sa Calamba, Misamis Occidental na may reward na P6.15 milyon.

Sinabi ni Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., napatay si Nabong sa ginawang combat operation ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. ZNAC, Tampilisan kung saan nagkaroon ng engkuwentro laban sa nasa 10 rebelde. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.