Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA off’l bulagta sa 10-minutong ratratan

0 473

ISANG hinihinalang opisyal ng New People’s Army ang napatay sa 10-minutong engkuwentro kontra tropa ng pamahalaan, Sabado ng umaga.

Sa report ng Philippine Army, sinabi ni Lieutenant Col. Franklin Fabic, Commanding Officer ng 88th Infantry Battalion, na nakatalaga sa Cagayan de Oro City na ganap na alas-9.30 ng umaga ng Sabado tumugon ang militar sa nakalap na impormasyon na may mga armadong grupo sa bahagi ng Barangay Mandahican.

Inabutan ng militar ang nasa 15 NPA guerrillas at nagkaroon ng 10-minutong palitan ng putok. Isa sa mga rebelde ang namatay, habang tumakas sa iba-ibang direksyon ang iba.

SM food to go Banner Ad

Kinilala ni Fabic ang napatay na si alyas “Daligas”, isang squad leader na kasama sa Guerrilla Front Malayag. Isa itong NPA unit na sinasabing responsible sa panununog sa dump truck at isang pay loader sa quarry site sa Barangay Sinabuagan, Valencia City noong Hunyo 19.

Natagpuan ng military ang hideout ng grupo at nakakuha ng isang M16 Rifle at bandoleer na may lamang apat na magazine. Wala namang namatay sa panig ng pamahalaan.

“We commend the people of Barangay Mandahican for their cooperation and the information they shared to our soldiers that led to this successful operation,” pahayag naman ni Fabic. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.