Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA paubos na – Palasyo

0 142

Unti-unti nang nauubos at nababawasan ang bilang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa paglulunsad at panunumpa ng iba’t ibang grupo ng mga advocacy group na lumalaban sa kriminalidad at terorismo sa bansa na ginanap sa Camp Crame.

Sinabi ng Pangulo na dahil sa aktibong pagtugis ng pulisya at militar sa mga bandido ay unti-unting nauubos na ang mga galamay ng mga komunista.

Dapat aniyang ilantad sa publiko ang tunay na ginagawa ng mga komunista gaya ng pangingikil at pangongolekta ng buwis sa mga mahihirap hanggang sa mga malalaking kompanya.

Sinabi pa ni Pangulong Dutere na hindi alam ng mga tauhan ng kilusang komunista na ginagamit lamang sila ng kanilang mga lider at magpasasa sa mga kinokolektang buwis habang sila ay nagugutom at patago-tago sa kabundukan dahil hinahanting ng militar at pulisya. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.