Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA squad, 3 pa todas sa atake ng militar

0 96

Patay ang isang squad ng communist New People’s Army (NPA) noong mismong araw ng Pasko, kasunod nang pambobomba sa Sultan Kudarat Daguma Mountain Range.

Gumamit ang militar ng GPS-guided smart bomb na ibinagsak ng Philippine Air Force FA-50 jet.

Sinabi ni Major General Juvymax Uy, commander ng Joint-Task Force Central 6th Division, mga mismong residente at lokal na opisyal ang nagsabi sa kanila ng paggalaw ng NPA Far South Regional Committee sa lugar, bago ang Communist Party of the Philippines 52nd anniversary kahapon.

Isang ground assault ang isinagawa kasunod ng airstrike na siyang naging daan para madiskubre ang NPA base camp sa Sitio Kalumutan sa Palimbang, Lebak, Kalamansig, bilang bahagi ng bayan ng Senator Ninoy Aquino.

Narekober ang tatlong hindi pa nakikilalang bangkay, 100 bandolier bags, mga improvised explosive device components, laptop, generators, nasirang mga armas, at mga dokumento. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.