Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPA todas sa engkuwentro

0 96

PATAY ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa isang engkwentro sa mga sundalo sa Malitbog, Bukidnon.

Ayon sa Philippine Army 4th Infantry Division, nagkasagupa ang mga tropa ng 58th Infantry Battalion ang mga rebelde sa Barangay Silo-o.

Kinilala ang napatay na rebelde na si Leonido “Macdong” Pacheco, miyembro umano ng Special Partisan Unit (SPARU) ng Sub-Regional Committee 1 (SRC1).

SM food to go Banner Ad

Isa pang rebelde na kinilalang si Aman “Neri” Bilayong ay sugatan sa sagupaan.

Si Bilayong ay miyembro ng Platoon Ryan, Motorola, SRC1, Northern Central Mindanao Region Command (NCMRC). Si Bilayong ay iniwan na lang ng mga kasamahan nito.

Naghatid naman ng pakikiramay si Lieutenant Colonel Ricky Canatoy, commanding officer ng 58IB, sa pamilya nang napatay na NPA. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.