Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NPC bukas sa mga gustong tumakbo – Sotto

0 90

Ipinahayag ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na bukas ang kanilang partidong Nationalist People’s Coalition (NPC) para sa sinomang nais na kumadidato para sa mataas na puwesto sa gobyerno.

Sinabi ito ni Sotto nang matanong sa isang panayam sa kanya sa radyo nitong Sabado hinggil sa posibleng pagtakbo umano ni Senador Sherwin Gatchalian sa mas mataas na puwesto sa 2022 election.

“Higher position is open for everyone, siguro baka mag-suggest ang mga kapartido namin na magkaroon ng convention, pagpupulong. Ang partido magmi-meeting `yan sino ipi-field officially,” ayon kay Sotto.

Sakali naman aniya na walang kandidato sa pagka-pangulo ay bahala ang kanilang partido kung sino ang nais suportahan sa 2022 election.

Si Gatchalian ay miyembro ng NPC gayundin sina Antique Rep. Loren Legarda at Sorsogon Governor Francis `Chiz’ Escudero.

“Yes, si Loren is full blooded NPC, si Chiz nag-leave lang, then we have Sherwin Gatchalian,” sabi ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.