Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTC hinigpitan mga radio, tv blocktimer

0 95

Ikinasa ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paghihigpit sa mga blocktimer sa radyo at telebisyon.

Oobligahin din ng NTC ang mga istasyon ng radyo at tv na hingin muna ang basbas ng ahensiya para sa mga commercial agreement na papasukin nila.

Nabatid na naglabas ang NTC ng dalawang memorandum circular kamakailan. Isa tungkol sa mga blocktimer habang ang isa pang memo ay sa commercial agreement ng mga istasyon ng radyo at tv.

Ayon sa draft memorandum circular ng NTC, kailangan magkaroon umano ng patakaran sa mga blocktimer sa radyo at tv.

Ang mga blocktimer ay bumibili lamang ng oras sa istasyon ng radyo at tv para maipalabas ang kanilang mga programa.

Sa panukalang ito, Pilipino lamang ang papayagang bumili ng airtime sa mga istasyon ng radyo at kailangan nilang sumunod sa patakaran ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Ang mga hindi miyembro ng KBP ay kailangang bumuo ng sarili nilang code o guidelines.

Nais din ng NTC na ilimita ang maibebentang airtime sa mga blocktimer at hindi ito papayagang lumagpas sa 50% ng airtime ng istasyon. Halimbawa, kung 24 oras umeere ang istasyon, hanggang 12 oras lamang ang puwede nitong ibentang airtime sa mga blocktimer.

SM food to go Banner Ad

Sa isa namang panukalang memorandum circular, oobligahin ang mga istasyon ng radyo at tv na may provisional authority o Certificate of Public Convenience na pakuhanin ng clearance ang kanilang magiging katransaksyon mula sa Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), pati na NTC at Securities and Exchange Commission (SEC).

Sakaling matuloy ito, sasabit ang istasyon ng radyo o tv sa NTC kung magkaroon ng problema ang kanilang magiging katransaksyon kapag nahanapan ng butas ng BIR, BOC, at iba pang ahensiya.

KBP pumalag

Naglabas naman ng pahayag ang KBP laban sa mga naturang memorandum circular na kinakasa ng NTC.

“We believe it is the station’s prerogative to choose the type of programs they will adopt whether it is station produced, co-produced with another party or (through) blocktime with 3rd party. We believe NTC has no jurisdiction over content,” sabi ni KBP president Herman Basbano.

Giit pa nito na dapat pakinggan muna ng NTC ang kanilang posisyon tungkol sa isyu bago maglabas ng kautusan ukol sa mga blocktimer. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.