Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTC hinigpitan mga telco sa eleksiyon

0 45

Pinagbawalan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telco na magsagawa ng kahit anong maintenance o repair work mula Mayo 4 hanggang Mayo 14, 2022.

Sa NTC Memorandum Order No. 002-04-2022, sinabihan ng ahensiya ang mga telco na dapat natapos na ang kanilang mga maintenance at repair work ng Mayo 3. Paalala ng NTC, automated na ang election system at ang online ang isasagawang pagsumite ng resulta.

Sakaling may emergency repair na hindi makapaghihintay, kailangang tumimbre agad ang telco sa NTC at mag-email para sabihin ang dahilan ng kanilang gagawin, ano ang epekto nito sa apektadong lugar at ang schedule kung kailan matatapos at maibabalik ang serbisyo.

SM food to go Banner Ad

Magtatalaga ng tauhan ang NTC para abangan ang mga ititimbre ng telco at pababantayan ito sa mga regional office.

Sabi pa ng NTC, kailangan nakauniporme at may ID ng kompanya ang mga magsasagawa ng emergency repair work at dapat marked vehicle din ang gagamitin ng mga taong magre-repair. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.