Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTC hinigpitan mga telco vs trabaho text scam

0 67

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company na magbigay ng babala sa kanilang mga subscriber ukol sa mga spam text.

Ito’y matapos dumami umano ang mga nagpapakalat ng spam text na nag-aalok ng pekeng trabaho.

Inatasan ng NTC ang mga telco na sumunod sa utos hanggang Hunyo 4.

Samantala, inabisuhan din ang mga regional director at officer-in-charge ng NTC na mas paigtingin pa ang kanilang pagsugpo sa mga text scam sa pamamagitan ng pagtalakay nito sa telebisyon at radyo. (Sherrylou Nemis)

Leave A Reply

Your email address will not be published.