Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTC inalerto mga telco sa internet traffic

0 142

Inutusan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication company na pagbutihin ang serbisyo sa darating na holiday season kung saan inaasahang bibigat ang internet traffic.

Sa memorandum na may petsang Disyembre 4, pinunto ng NTC na maraming pagtitipon ang gagawin na lang online alinsunod sa mga limitasyon para mapigilan ang hawaan sa COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Kaya naman, ayon sa NTC, kailangang magkaroon ang mga telco ng `heightened level’ sa kanilang emergency preparation mula Disyembre 7 hanggang Enero 8, 2021 para matiyak ang “minimal disruption and downtime.”

“You are hereby directed to fast-track your maintenance efforts, increase internet/broadband capacities, and ensure that business continuity and disaster recovery protocols are in place and functioning, 24/7,” sabi pa ng Komisyon.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.