Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC budget ‘wag alisin

0 168

Makalipas ang ilang dekadang pagpapaliban sa problema ng CPP-NPA, nagtatag ang administrasyong Duterte ng Whole-of-Nation approach upang puksain ang karahasan na dulot ng mga terorista at tuluyang makamtan ang kapayapaan sa sambayanang Pilipino.

Ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay binuo upang ipatupad ang mga layuning ito taliwas sa panawagan ng ilang Senador na tanggalin ang pondo dahil sa pahayag ni Lt. General Antonio Parlade laban sa ilang senador.

Ang deklarasyon ng Senado ay salungat sa posisyon ng Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification, at Reconciliation noong Pebrero 21, 2021 ayon kay Jose Antonio “Ka Pep” Goitia, Secretary General ng Liga Independencia Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa pahayag ng komite ito ay Whole-of-Nation approach at pinakamabisang programa na kontra-insurhensya dahil napatunayan ang pagbawas ng impluwensya at lakas ng CPP-NPA-NDF.

Mabibigo ang layuning patatagin ang mga kanayunan kung tatanggalin ang lahat ng mga serbisyo ng NTF-ELCAC lalo na sa mga napapabayaang Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICC/IP) kapag inalisan ng pondo at ang tanging makikinabang dito ay ang pangkat na sinisikap puksain ng Whole-of-Nation approach, ang CPP-NPA.

Leave A Reply

Your email address will not be published.