Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC: FEU football player nagmakaawa na, tinodas pa rin

0 138

Kuwento ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nagmakaawa pa umano ang football player na si Kieth Absalon, sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) bago siya pumanaw sa Masbate kasama ang kanyang pinsan.

Giit ni Usec. Lorraine Badoy, tagapagsalit ng NTF-ELCAC, na may mga saksi sila na magpapatunay dito. Hindi binanggit ang pagkakakilanlan ng mga saksi.

Sa autopsy report, hindi lang ang improvised explosive device (IED) ang dahilan ng pagkamatay ni Kieth, bagkus ay ang malapitang pagbaril sa kanya at sa pinsang si Nolven.

Magugunitang inako na ng Communist Party of the Philippines ang responsibilidad sa insidente at nagsasagawa na rin umano sila ng internal na imbestigasyon sa pangyayari.

SM food to go Banner Ad

Paniwala naman ni Lt. Gen. Antonio Parlade ng NTF-ELCAC, dumarami na umano ang mga nahuhuli at sumusukong NPA kaya nagtatanim na ang mga ito ng IED.

Muli namang sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperson na hindi siya pabor sa peace talks ng gobyernong Duterte sa CPP.

“Eh talagang napi-piss off tayo sa peace talks nila! No peace talks, sabi nga ng Pangulo.” (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.