Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC: HR defenders bill di na kailangan

0 130

Hindi na kailangan ang pagsasabatas ng House Bill 10576, na kilala rin bilang Human Rights Defenders Protection Bill, dahil lahat ng karapatan at kalayaang binanggit dito ay kasama na sa konstitusyon ng bansa.

Ayon ito kay Undersecretary Severo Catura, National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) spokesperson for International Affairs, Peace Process and Human Rights Concerns, sa virtual press conference kahapon.

“All the rights and freedoms cited by the bill as needing protection are appropriately covered by our Constitution already and under specific laws. So are we saying here that these rights do not exist and therefore must be stressed in another law. Because from how we looked at it, and from how millions of Filipinos looked at it, all these rights are in place and being enjoyed.”

Sinabi ni Catura na ang panukalang batas ay hindi nagtatanggol sa mga totoong human rights defenders kundi pinapayagan lang ang mga nagpapanggap na isulong ang sinasabing “context that perpetuates falsehood and deceit”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It is totally against the grain of what human rights principles are being set in place,” dagdag nito.

Sakali aniyang maaprubahan ng Kongreso, sinabi ni Catura na ang nasabing batas ay posibleng makaapekto sa pangkalahatang kampanya ng bansa laban sa lokal na terorismo at sa pagsulong ng peace process.

“It is also a slap to the United Nations (UN) (whose) policies on human rights are either being twisted or completely unheeded. And the bill can be called anything but a human rights bill,” aniya pa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.