Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NTF-ELCAC nagbabala sa paggapang ng CPP-NPA

0 32

Pinaalalahan kahapon ang mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak dahil target umano ang mga ito ng mga komunistang-teroristang Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na isama sa kanilang mga rally.

Batay sa pulong balitaan kahapon ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF- ELCAC), inanunsyo ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Alex Paul Monteagudo, na may mga nakalap silang ‘intelligence reports’ na ang mga rally ay inoorganisa ng CPP-NPA-NDF para maghasik ng kaguluhan sa pagkakaboto sa bagong liderato nila Bong Bong Marcos at Sara Duterte.

“Layunin ng mga komunistang-terorista ay magkaroon ng ‘crisis situation’s’ na mapagtagumpayan nila,” paalala ni Monteagudo.

Hinirit naman ni Prosecutor 2, Flosemer Chris Gonzales, NTF-ELCAC acting spokesperson on Legal Affairs na respetuhin na ang boses ng nakararami. Aniya’y kailangan nang magkaisa at magkasundo ang lahat sa natapos na proseso ng halalan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nanawagan din siya sa mga paaralan at unibersidad na bantayan ang kanilang mga estudyante at ang kanilang mga institusyon para di magamit sa rally ng mga komunistang-terorista.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) naman ay naghayag ng kanilang kahandaan sa anumang kaguluhang maidudulot ng mga mga protesta na nagsimula rin kahapon.

Sinabi ni Police Lt.Gen Vicente Danao Jr., Officer-in-Charge ng PNP na bagamat naging maayos ang halalan sa kabuuuan, ang kapulisan ay nakaantabay at handa pa rin para protektahan ang seguridad ng bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.